Friday, November 4, 2016

Steps to be Successful in Life

Paano mo matutupad ang mga pangarap mo, 6 EASY STEPS TO MAKE YOUR DREAMS COME TRUE.

Sa buhay natin, bawat tao ay nangangarap maging successful, maging mayaman, m-abigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamilya at mga nagbabalak ng magandang buhay para sa kanilang kinabukasan. Lahat tayo ay gusto umasenso at umunlad. Pero ang tanong paano o ano ang ginagawa mo para umunlad ang iyong buhay.

Kailangan mo malaman ang mga bagay na dapat na mayroon ka bago o kahit nasimulan mo na at nabigo man. Narito ang mga bagay na dapat mong malaman, step by step na paraan upang umunlad ang iyong buhay.


Step 1: KNOW YOUR GOAL IN LIFE- para maging successful, dapat may goalo may pangarap ka na gusting-gusto mo na matupad, yun talagang pinapangarap mo sa buhay. Siguro naman ay may pangarap ka sa sarili mo o para sa pamilya mo. Kailangan ito kasi ito ang magsisilbing palatandaan na naging successful ka na. Dapat alam mo kung ano ang pangarap mo na siyang magiging ikaw kapag naging successful ka na sa buhay.




Step 2: FIND YOUR WAY TO ATTAIN YOUR GOAL- para maging successful ito ang pinakamahalagang tanong na dapat mong malaman, dahil ito ang siyang magiging daan o tulay mo para sa iyong mga pangarap. Halimbawa na gusto mo maging isang mahusay na doctor, ano ang  iyong magiging daan para pagdating ng panahon ay maging isang mahusay kang doctor? Diba dapat kang pumasok sa isang paaralan na nagtuturo ng kursong pagduduktor. Tulad lang din siya sa lahat ng bagay, kung may pangarap ka, dapat hanapin mo ang daan para sa iyong mga pangarap.


Spet 3: HAVE A RIGHT MIND SET-sa pag-abot n gating mga pangarap, dapat may tama tayong pananaw sa mga bagay na ating tatahakin. May mga bagay na dapat tayong isaisip, o pananaw na ating dapat sundan.


Step 4: TAKE A MASSIVE ACTION- pagkatapos mo magkaroon ng pangarap, ng daan, at ng tamang pananaw, kinakailangan mo na ng pagkilos. Pagkilos o aksyon para sa pagtupad ng iyong mga pangarap. Paano ka aaksyon? Dapat ang akyon mo ay tuluy-tuloy. Bakit dapat tuluy-tuloy? Para sa mabilis na resulta. Para sa mas mahusay na resulta.


Step 5: BE PASSIONATE- mahalin mo ang iyong ginagawa. Simple lang ito, pero , marami ang natatalo dahil hindi sila passionate sa kanilang ginagawa. Mahuhusay at matatalino pero hindi nila mahal ang kanilang ginagawa. At para maging successful dapat mahal mo ang iyong ginagawa.


Step 6:CONTINUE TO LEARN- pag naging successful ka na, hindi ibig sabihin ay titigil ka. Puwede kang tumigil kung ayaw mo na talaga. Pero inererekomenda ko na magpatuloy ka sa pagsasaliksik, mga bagong kaalaman . Mga bagay na maaring magpaunlad pa sa iyon. Dahil palaging may bago, at mananatili ang mahusay kung patuloy kang mag-aaral.




Pag nasundan mo, o nagawa mo ang mga bagay na ito sigurado at garantisado na magiging masaya ka pagdating ng araw at magiging maunlad ang iyong buhay. Dahil sa bawat problema ay may libo-libong solusyon. Sa bawat balakid at pagsubok ay makakayang lagpasan. Kung ngayon ay naghihirap ka sana makatulong ito at umunlad ang buhay mo.

No comments:

Post a Comment